my simple joy...


*(galing po ito sa isa kong blog..)

medyo madamdamin nang konti..isang bagay lang ang masasabi ko ngayong nagsusulat ako, namimiss ko na si tooooot. Imagine, nung friday di ko man lamang siya nakita mag-laro ng maayos tapos tambak pa sila nung first half...haay nga naman....tapos nung monday, ang lakas lakas naman ng ulan dito sa intra, kea un...di ako nakapanuod...ilang beses akong nagtatanong kung tama ba itong ginagawa ko o talaga bang hibang na ako? ewan ko ba? maraming beses kong naiisip,panu na lang kung ang nag-iisa kong panaginip ay magkatotoo? haay, ang saya-saya ko siguro...pero mas madalas kong maisip, kahit kelan, di pwede ang langit sa lupa o kahit ang lupa sa langit...ang taong minamahal ko ay nasa alapaap. Na aking tinitingala at hinahangaan..(mula sa malayo) isang tao na iba ang propesyon, malayo sa aking kinatatayuan. sobrang saya ko nga pagnakikita ko lang siya. Kahit sulyap lang, konting papansin sa gym at kunwari may hinahanap kaya umuupo sa may bench ng players. Pero isa lang naman ng motibo-ang makita ang kaisa-isang dahilan ng pag-tibok ng puso ni doth-doth..haay..kahapon, hindi ko siya nakita...kahit sulyap lang...sobrang pa-pam-pam na nga ako eh, daan ako ng daan sa dorm nila sa may canteen, nag-babakasakaling makita ko siya..kasi naman no! di ko siya makausap ng maayos...hiya ako eh...dumaan din ako ng dept nila, baka sakali, pati nga tambayan dumaan din ako. No sign of him talaga..is it like what I am thinkin' of? butterflies in my stomach, smiling whenever I suddenly think of him? And laugh at his corny jokes and still laugh at it even though I've heard it a couple of times? wow, doth-doth, congrats *confetti*drumroll*tada!* in-love ka na! *doth-doth makes a bow*lagi ko siyang kinekwento sa parents ko, lagi nilang sinasabi okay lang yan, di ka naman papansinin nyan *:((* kawawa naman ako, kamusta ka naman di ba? halleour...oo nga naman, lagi ko ksi siyang tinitingala, ang tangkad niya kasi...haay...gwapo pa...today, as I end this debut blog of mine, sana makita ko siya today. Wala lang, para naman masaya ako...i wish all the best in his basketball career..tooooot, i will always be there watching you..and praying that one day you'll see me too *hala, ang drama, corny naman*

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket